Friday, June 26, 2026

Kahon-kahong mga dokumento, hinakot ng mga tauhan ng NBI sa Pasig RTC

Kahon-kahong mga dokumento ang ibinaba ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasig Regional Trial Court.

Kasunod ito ng pahayag ni NBI Director Melvin Matibag na maghahain sila ng kasong qualified human trafficking laban kay dating Cong. Mike Defensor.

Hindi naman personal na naghain ng kaso sa Pasig RTC si Matibag.

Ang nasabing kaso ay may kinalaman sa ginawang raid ng nbi sa isang KTV bar sa ng Pasig City noong April 21.

Nasagip sa raid 54 na mga kababaihan.

Ang KTV Bar ay sinasabing pag-aari ni Defensor.

Facebook Comments