
Isang insidente ng pamamaril ang naiulat sa kahabaan ng National Highway, Purok Gemelina, Barangay Kingking, Pantukan, Davao de Oro, kahapon.
Ang biktima kasama ng kanyang pamilya na katatapos lang umattend ng graduation ceremony sa Kolehiyo ng Pantukan at pasakay na sana sa kanilang sasakyan nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga suspek sakay ng isang gray na minivan na walang plaka.
Ayon sa ulat ng pulisya, posibleng isang .45 calibre na baril ang ginamit laban sa biktima na nagtamo ng 4 na bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan nito.
Ang mga suspek ay agad na umalis sa hindi pa tukoy na direksyon.
Dinala naman agad sa ospital ang biktima na stable na rin ngayon ang kalagayan.
Narekober sa crime scene ang 4 na cartridge case at isang fired bullet mula sa hinihinalang .45 calibre na baril.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon at hot pursuit operation para matukoy ang pagkakakakilanlan at mahuli ang nasabing mga suspek.










