Wednesday, July 1, 2026

Ilang kalsada malapit sa Mendiola, sarado pa rin sa ikalawang araw ng rally ng INC

Nananatili pa ring sarado sa mga motorista ang ilang kalsada malapit sa Mendiola, Maynila, partikular ang bahagi ng Ayala Bridge at magkabilang linya ng Recto Avenue mula sa tapat ng University of the East (UE) patungong Mendiola.

Ito ay kasabay ng ikalawang araw ng rally o kilos-protesta ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) para ipanawagan ang transparency at accountability.

Habang sarado rin ang Figueras Street, Gastambide Street, at M. De los Santos Street sa Legarda para sa parehong mga motorista at pedestrian.

Nakapuwesto na rin ang mga container van sa mga nasabing kalsada bilang bahagi ng security measures na ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) upang maiwasan ang mga insidente ng kaguluhan sa gitna ng kaliwa’t kanang kilos-protesta sa Maynila.

Sa kabila nito, tuloy-tuloy pa rin ang pasok sa mga paaralan at trabaho.

Facebook Comments