CITY OF SAN FERNANDO POLICE, NAGSAGAWA NG BARANGAY VISITATION AT DAYALOGO PARA SA MAS MATATAG NA KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN

Nagsagawa ang mga tauhan ng City of San Fernando Police Station ng Barangay Visitation at Dialogue kasama ang mga opisyal ng barangay at mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) bilang bahagi ng patuloy nitong programa sa pakikipag-ugnayan at pagpapatibay ng ugnayan sa komunidad.

Sa isinagawang aktibidad, tinalakay ng mga pulis ang mahahalagang usapin kaugnay ng kapayapaan at kaayusan, mga estratehiya sa pag-iwas sa krimen, kampanya laban sa iligal na droga, at ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pulisya at komunidad sa pagpapanatili ng seguridad.

Naging daan din ang pagpupulong upang mailahad ng mga opisyal ng barangay at mga miyembro ng BPAT ang kanilang mga obserbasyon at mga suliraning kinakaharap sa kanilang komunidad. Tinalakay rin ang mga posibleng hakbang at interbensyon upang mas epektibong matugunan ang mga isyu sa seguridad at kaayusan.

Mahalaga ang aktibong partisipasyon din ng komunidad sa mga programa sa pag-iwas sa krimen at pagpapanatili ng kapayapaan upang makamit ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments