
Cauayan City – Planong ipatupad ng Local Government Unit of Cauayan City ang Odd-Even Scheme para sa mga pampasaherong tricycle sa lungsod.
Ayon kay Cauayan City Mayor Caesar “Jaycee” Dy, Jr., nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng LGU Cauayan at transport sector sa lungsod kung saan tinalakay ang bagong fare matrix at ang posibleng pagpapatupad ng Odd-Even Scheme para sa mga tricycle.
Sinabi ng alkalde na makatutulong ang hakbang na ito upang makatipid sa konsumo at suplay ng petrolyo sa lungsod, at mas mapataas ang kita ng mga namamasada.
Sinabi ni Mayor Jaycee na isa sa mga rason para ikonsidera ang scheme ay ang kakaunting bilang ng pasahero, kapag sabay-sabay na namamasada ay mas kakaunti ang kanilang nasasakay dahil sa dami ng tricycle sa kalsada.
Sa pamamagitan ng Odd-Even Scheme, mas dadami bilang ng kanilang maisasakay, mabibigyan ng pagkakataon na makapagpahinga ang mga tsuper, at mas makakatipid sa suplay ng petrolyo na mayroon sa ang mga gasulinahan sa lungsod.










