
Aarestuhin na si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sakaling matagpuan ito.
Ito ang sinabi ng Department of Justice (DOJ) matapos na hindi maglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema sa hiling ng kampo ni Dela Rosa na huwag ipatupad ang arrest warrant laban sa kaniya mula sa International Criminal Court (ICC).
Sa pulong balitaan ngayong Miyerkules, hinimok naman ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez ang sinumang may nalalamang impormasyon tungkol kay Bato na makipagtulungan sa mga awtoridad.
Nanawagan din ang DOJ kay Dela Rosa na sumuko na lamang din sa mga awtoridad kasabay ng pagtiyak na hindi nila hahayaang magpagala-gala na lamang ito.
Facebook Comments










