Wednesday, May 27, 2026

𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗦𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡, 𝗛𝗨𝗦𝗧𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚

CAUAYAN CITY- Labis na nagdadalamhati ang pamilya ng isa sa mga nasawi sa panamaril sa Brgy. San Rafael Abajo, Sto. Tomas, Isabela noong ika-24 ng Mayo.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Paeste, 33-anyos, isang Barangay Captain sa Brgy, Colonguan, Sto. Tomas, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Jayson Paeste, kapatid ng biktima sinabi nitong, malaking dagok sa kanilang pamilya ang biglaang pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

Inilarawan din nito na hindi lang basta kapatid ang turingan nilang dalawa kundi kaibigan na rin dahil sa panahon ng problema ang kaniyang nakababatang kapatid ang kaniyang kasangga.

Dagdag pa niya, wala umano silang alam na matinding kaaway ng kapitan, dahilan upang lalo silang mabigla sa nangyaring pamamaril.

Sa gitna ng kanilang pagdadalamhati, umaasa ang pamilya na agad mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kapatid.

Facebook Comments