Tuesday, May 26, 2026

𝗣𝗘𝗞𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗚𝗔𝗥𝗜𝗟𝗬𝗢, 𝗞𝗨𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Tatlong indibidwal ang kusang loob na sumuko sa pulisya matapos madiskubreng may hawak silang umano’y mga pekeng sigarilyo sa lungsod ng Cauayan noong gabi ng ika-4 Mayo.

Batay sa ulat, kinilala ang mga nagsurrender ng mga pekeng sigarilyo na sina alyas “Don” 22-anyos at residente ng Brgy. Mabantad, Cauayan City;alyas “Maria” 48-anyos, residente ng Brgy. Cabaruan, Cauayan City at alyas “Jane” 52-anyos na residente ng Brgy. Marabulig 1 sa lungsod ng Cauayan.

Personal na nagtungo ang mga ito sa himpilan ng pulisya at boluntaryong isinuko ang mga hinihinalang pekeng sigarilyo.

Sa tala ng pulisya, kabilang sa mga isinuko ang kabuuang 144 na pakete ng iba’t ibang brand ng sigarilyo tulad ng Goldenleaf, RGD, at FS. Tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng humigit-kumulang ₱12,320.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga nasabing ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko laban sa pagbebenta at pagbili ng mga pekeng produkto, lalo na kung ito ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan at paglabag sa batas.

Facebook Comments