
Nananawagan ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc sa administrasyon at sa lahat ng kaukulang ahensya na agad arestuhin si Senator Ronald Bato Dela Rosa sa bisa ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court o ICC.
Panawagan ito nina Representatives Antonio Tinio, Sarah Jane Elago at Renee Louise Co matapos na ibasura ng Supreme Court ang hiling ni Dela Rosa na pigilan ang pagdakip sa kanya.
Ayon sa Makabayan Bloc ang pasya ng Kataas-taasang Hukuman ay pagbibigay-diin na hindi dapat harangin ang pag-usad ng hustisya sa pamamagitan ng mga petisyon sa korte at pagmaniobra gamit ang mga teknikalidad.
Diin pa ng Makabayan solons, lumalabas din ngayon na palusot lang ng panig ni Senator Bato ang argumento na kailangan pa ng warrant of arrest mula sa lokal na korte para maisagawa ang pag-aresto sa kanya.
Bunsod nito ay hinikayat ng Makabayan Bloc si Dela Rosa na sumuko at harapin ang kasong crimes against humanity na nakahain sa ICC.










