Thursday, May 21, 2026

Panukalang magbabawal at magpaparusa sa ticket scalper, isinulong sa Kamara

Isinulong ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima ang House Bill No. 9171 o panukalang batas na magbabawal at magpaparusa sa magsasagawa at sangkot sa ticket scalping lalo na ang muling pagbebenta ng tickets na mas mataas ng 10% o higit pa sa orihinal na presyo.

Diin ni De Lima, ang ticket scalping ay hindi maituturing na diskarte lang sa pagnenegosyo dahil malinaw na ito ay garapalang pagkatuso, panloloko at panggagantso sa kapwa.

Ayon kay De Lima, hindi pwedeng hayaan lang ang labis na pananamantala ng scalpers dahil kung hindi sila mapaparusahan ay titindi pa ang kanilang modus at mas marami pa silang mabibiktima.

Binanggit ni De Lima na kawawa ang mga biktimang fans na mapipilitang bumili sa hindi makatarungang presyo o mapagkakaitan ng oportunidad na mapanood ang kanilang mga hinahangaan dahil naubusan o dahil hindi kayang makabili ng mahal na ticket.

Facebook Comments