
CAUAYAN CITY- Tiniyak ng Cauayan City Water District na mananatiling matatag ang singil sa presyo ng tubig sa lungsod ng Cauayan sa kabila ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Engr. Manolito Supnet, District Manager ng Cauayan City Water District, tiniyak niya mananatili sa dating halaga ang binabayaran ng mga residente sa nasabing lungsod hangga’t wala silang natatanggap na abiso sa mga kinauukulan.
Dagdag pa niya, mapalad ang naturang lungsod dahil mayroon itong mga kagamitan at mga awtoridad na namamahala upang mapanatili ang malinis na kalidad ng tubig.
Sa huli, hinimok naman ni Ginoong Supnet ang publiko na ugaliing magtipid pa rin ng tubig ngayong panahon ng tag init.
Facebook Comments










