Tuesday, April 21, 2026

𝗦𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗚𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗞𝗜𝗟𝗜𝗞 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘

CAUAYAN CITY-Patuloy na lumalago ang industriya ng solar energy, matapos makapagtala ng pagtaas sa benta ang mga supplier at installer sa Cauayan City.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Rogelyn Cabiles, Manager sa isang Solar Energy Provider Company, mas naging aktibo ang interes ng mga publiko kabilang ang mga may-ari ng bahay, negosyante, at maging ang mga magsasaka na naghahanap ng alternatibong mapagkukunan ng kuryente.
Isa sa pangunahing dahilan ng pagtaas ng demand ay ang patuloy na pagmahal ng singil sa kuryente, na nagtutulak sa marami na maghanap ng mas matipid at pangmatagalang solusyon.
Dagdag pa niya, pagpasok palang ng buwan ng Marso ay kapansin pansin na ang pagtaas ng demand na dati ay nasa 30% ay pumalo na sa 80% ang kanilang benta.
Gayunpaman, nagpaalala si Cabiles sa publiko na maging mapanuri sa pagbili ng solar equipment. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkuha ng lehitimong supplier at propesyonal na installer upang matiyak ang kalidad at kaligtasan.
Facebook Comments