
Cauayan City – Isinailalim sa State of Calamity ang lalawigan ng Cagayan kahapon, ika-20 ng Abril bunsod pa rin ng dry season at krisis sa langis.
βIto ay matapos aprubahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang isang resolusyon sa isinagawang pagpupulong sa lalawigan.
βIniulat rin ni Engr. Arsenio Antonio mula sa Office of the Provincial Agriculture (OPA) sa naturang pulong na tinatayang nasa higit P1.39-B ang nasira sa mais at higit P4.11-B sa palay dahil sa tagtuyot.
βBukod dito, ibinahagi rin ni Engr. Antonio na umabot sa higit P4. 77-B estimated value loss ang naitala sa mga mangingisda sa buong probinsya.
βDagdag pa niya, kung dati ay umaabot sa P2,200 ang kanilang kinikita, ngayon ay nasa P200 na lamang.
βSamantala, humingi ng listahan ng mga apektadong indibidwal ang Provincial Social Welfare and Development Office para sa pagbibigay ng food packs at ayuda.










