Nasawi ang 22 anyos na drayber ng motorsiklo habang sugatan ang 19 anyos na angkas nito matapos ang insidente ng banggaan na kinasasangkutan rin ng 46 anyos na optometrist na siyang nagmamaneho ng isang pulang sasakyan sa kahabaan ng national road sa Brgy. Guibel, San Jacinto ng Abril 19, 2026.
Sa isinagawang paunang imbestigasyon at base sa kuha ng CCTV, napag-alamang umatras ang pulang sasakyan mula sa isang compound at pumuwesto sa northbound lane ng kalsada habang nakaharap sa silangan at naghahandang kumaliwa patungong bayan ng San Jacinto. Sa nasabing pagkakataon, nabangga ito ng motorsiklo na papunta naman sa hilagang direksyon.
Ayon pa sa ulat, hindi nakasuot ng helmet ang rider at angkas ng motorsiklo at kapwa nagpositibo sa alcohol breath test. Sa kabilang banda, negatibo naman sa naturang pagsusuri ang driver ng pulang sasakyan.
Agad na isinugod ang tatlong sangkot sa insidente. Sa kabila nito, idineklarang dead on arrival ang driver ng motorsiklo ng doktor.
Samantala, patuloy pang tinutukoy ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga sangkot na sasakyan habang hinihintay na lamang ang desisyon ng pamilya ng ng nasawi kung magsasampa ang ito ng kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










