Wednesday, June 17, 2026

₱1.252M FINANCIAL SUPPORT, IPINAMAHAGI SA HIGH SCHOOL AT COLLEGE SCHOLARS NG MANGALDAN

Ipinamahagi na ng lokal na pamahalaan ng mangaldan ang ika-siyam na buwanang financial support para sa mga iskolar ng bayan para sa school 2025-2026.

Sa kabuuan, ₱1,252,000 ang ipinamahagi sa 600 high school scholars at 266 na college scholars.

Maaga at maayos na nagsipila ang mga estudyante, sa mangaldan municipal hall para sa payout ng municipal scholarship program kahapon, mayo 12, 2026.

Ayon sa community affairs office, hinikayat ang mga iskolar na pagbutihin ang kanilang pag-aaral upang maabot ang kanilang mga pangarap at makamit ang magandang kinabukasan.

Samantala, inaasahang ilalabas sa hunyo ang listahan ng mga bagong iskolar ng bayan para sa school year 2026–2027. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments