Patuloy ang Mangaldan Municipal Police Station sa pagpapatupad ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Mangaldan.
Araw-araw na nakaantabay ang mga kapulisan sa mga pangunahing kalsada at paligid ng mga paaralan upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang anumang insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa mga estudyante.
Kabilang sa kanilang mga gawain ang pagtulong sa mga mag-aaral na ligtas na makatawid sa mga lansangan, lalo na sa oras ng pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan.
Maliban sa traffic assistance, nagsasagawa rin ang mga pulis ng regular na pagmomonitor sa mga paaralan at mga pampublikong lugar upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan.
Patuloy namang nananawagan ang awtoridad sa publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa komunidad upang matiyak ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat, lalo na sa mga kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







