Nagbabala ang city councilor na si Councilor Dr. Jalice Cayabyab ng Dagupan sa publiko na maging mas maingat sa mga iniinom at kinakain ngayong tag-ulan dahil sa pagtaas ng panganib ng mga sakit na nakukuha sa kontaminadong pagkain.
Sa isinagawang flag raising ceremony noong Lunes, Hunyo 22, binigyang-diin na mas madali umanong kapitan ng mikrobyo ang mga pagkain kapag maulan, dahilan upang dumami ang kaso ng mga sakit tulad ng diarrhea at LBM.
Bukod sa kaligtasan ng pagkain, tinututukan din umano ng lungsod ang mga posibleng pamugaran ng lamok na nagdadala ng dengue.
Pinayuhan ang mga residente na alisin ang mga naipong tubig o stagnant water para maiwasan ang pagdami ng mga lamok.
Pinaalalahanan din ang publiko na agad magtungo sa City Health Office (CHO) kung makararanas ng mga sintomas ng dengue tulad ng pananakit ng katawan, lagnat, at iba pang senyales ng sakit upang agad na mabigyan ng kaukulang lunas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








