Posible simulan ng Department of Agriculture (DA) sa huling linggo ng Mayo o kaya naman ay sa unang linggo ng Hunyo ang ₱53 na Suggested Retail Price (SRP) sa mga lokal na bigas sa buong bansa ayon kay DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra.
Ayon kay Guevarra, walang dapat ikabahala ang mga retailers ng bigas dahil ang ₱53 na SRP ay magsisilbing gabay lang para sa mga konsyumer, hindi katulad ng ₱50 na price cap sa 5% broken imported rice na mandatory talaga.
Dagdag pa dito, sang ayon at ₱53 na SRP rin ang rekomendasyon ng mga magsasaka at industriya ng bigas na kanilang nakausap kaya paniguradong wala umanong malulugi dito.
Samantala, nilinaw naman ng departamento na natatagalan sila sa paglalabas ng nasabing SRP dahil kinakausap pa nila ang iba pang mga stakeholders para masigurong maayos at angkop sa mga konsyumer at retailers ang nasabing SRP.










