
Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na balik na sa normal ang supply ng kuryente sa Luzon.
Ayon kay DOE Undersec. Rowena Cristina Guevara, online na mula kaninang umaga lahat ng units ng nagka-aberyang planta ng 𝐈𝐥𝐢𝐣𝐚𝐧–𝐃𝐚𝐬𝐦𝐚𝐫𝐢ñ𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐈𝐥𝐢𝐣𝐚𝐧–𝐓𝐚𝐲𝐚𝐛𝐚𝐬 Transmission lines.
Ang naturang transmission lines ang mga pangunahing daluyan ng kuryente mula sa mga planta patungo sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.
Ito rin ang nagpapadala ng supply ng kuryente patungo sa Visayas Grid sa pamamagitan ng interconnected transmission system.
Facebook Comments










