Thursday, May 21, 2026

Ilang performers, naging tampok sa inilunsad na Nescafe’ Fusion sa Makati City

Inilunsad ng Nescafe’ ang Nescafe Fusion kung saan naging tampok ang ilang Original Pilipino Music (OFM) artists sa isang mall sa Makati City.

Kabilang sa nag-perform ang singer-songwriter na si Earl Agustin.

Ayon kay Earl, malaking karangalan sa kanya ang muling makapag-perform sa Nescafe’ Fusion.

Inihayag naman ni Star Edralin, Vice President Marketing Manager ng Nescafe’ na layon ng kanilang music festival na mailapit ang musikang Pilipino sa mga kabataan.

Nag-iikot din sa school campus ang Nescafe’ Fusion para magtuklas ng talento ng mga kabataang estudyante.

Sa darating na June 26 ay nakatakda ang Nescafe’ Fusion Philippine Music Festival na gaganapin sa Filinvest City Events Grounds, sa Alabang, Muntinlupa City kung saan magiging tampok ang ilang mga sikat na OPM artist.

Facebook Comments