Friday, May 22, 2026

PBBM, pinatataasan ang pork import para pababain ang presyo ng baboy

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kautusang nagtataas sa minimum access volume o MAV para sa imported pork products ngayong 2026.

Batay sa Executive Order No. 116s, mula sa dating 54,210 metric tons, itinaas ito sa 204,210 metric tons para matugunan ang kakulangan sa suplay at mataas na presyo ng baboy sa bansa.

Target ng gobyerno na palakasin ang suplay ng baboy at processed meat products, pababain ang presyo sa merkado at makatulong sa pagkontrol ng inflation.

Isa sa tinukoy na dahilan ng kakulangan sa suplay ang patuloy na epekto ng African Swine Fever o ASF sa local hog industry.

Sa dagdag na allocation, 30,000 metric tons ang inilaan para sa meat processors habang 120,000 metric tons naman ang mapupunta sa Food Terminal Inc. at KADIWA ng Pangulo Program.

Inatasan din ang MAV Management Committee na maglabas ng implementing guidelines sa loob ng 30 araw.

Facebook Comments