Friday, May 22, 2026

MMDA GM Nicolas Torre III, handang sumunod kung atasan ni PBBM na tumulong sa pag-aresto kay Sen. Bato Dela Rosa

May sagot si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager at dating PNP Chief Nicolas Torre III sa tanong kung handa siyang tumulong sa pag-aresto kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sa Kapihan sa Manila Hotel, tinanong si Torre kung tatanggapin niya sakaling kailanganin siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tumulong sa pag-aresto sa senador na itinuturing nang pugante ngayon ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Torre, ito ay kung may impormasyon na nagtatago si Bato sa mga lugar na sakop ng MMDA.

Sinabi pa ng dating PNP chief na handa siyang sumunod kapag mismong ang Pangulo ang nag-utos na ipatupad ang ICC warrant.

Matatandaang si Torre ang nanguna sa operasyon para arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte bago siya ipadala sa The Hague, Netherlands sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court noong nakaraang taon.

Facebook Comments