Wednesday, May 20, 2026

𝗥𝗘𝗕𝗘𝗟𝗗𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞-𝗟𝗢𝗢𝗕

CAUAYAN CITY – Kusang-loob na sumuko sa mga awtoridad ang itinuturing na Number 1 Regional Top Most Wanted Person kahapon, ika-5 ng Mayo.

Kinilala ang suspek si alyas “Goryo” 42-anyos at residente ng Barangay San Dionisio I, Maddela, Quirino, at dating Platoon Leader at Intelligence Officer ng Platoon Remo Isabela. Nasa listahan siya ng Police Regional Office 2 bilang most wanted simula pa noong unang quarter ng 2020.

Kasabay ng kanyang pagsuko, isinuko rin ni Benson ang iba’t ibang armas at pampasabog, kabilang ang isang US M1 Cal .30 Carbine rifle, magasin na may 25 bala, dalawang M-76 rifle grenades na may bull trap, at isang bandolier.

Agad siyang dinala sa himpilan ng pulisya sa Maddela kasama ang mga nasamsam na kagamitan para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Sa parehong araw, ipinatupad din ang mga warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng mga kasong murder, attempted murder, attempted homicide, at direct assault na inilabas ng RTC Branch 24 sa Echague, at MCTC ng Benito Soliven – San Mariano.

Ayon sa mga awtoridad, ang pagsuko ni Benson ay indikasyon ng patuloy na paghina ng armadong kilusan sa rehiyon

Inaasahan na magsisilbi itong inspirasyon sa iba pang naliligaw ng landas na magbalik-loob at muling yakapin ang kapayapaan.

Facebook Comments