
Bumuwelta si National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag kaugnay sa pahayag ni Senate President Alan Peter Cayetano na dapat din itong suspendihin ng Ombudsman.
Ito ay kasunod ng pagpataw ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman kay acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca dahil sa insidente ng barilan sa Senado noong nakaraang linggo.
Sa pulong balitaan sa Maynila, sinabi ni Matibag na kung command responsibility ang magiging batayan ay dapat unang suspendihin si Cayetano.
Ayon kay Matibag, bilang Senate President ay responsibilidad ni Cayetano si Aplasca na umamin na siya ang unang nagpaputok sa mga tauhan ng NBI.
Samantala, kinumpirma rin ng NBI na may lead na sila sa kasalukuyang kinarooonan ni Senator Bato Dela Rosa.
Kasabay nito, tumangging magbigay ng iba pang detalye si Matibag pero iginiit nito na mainam din na tanungin si Senator Robin Padilla bilang huling kasama ni Bato.










