₱2.028-B 2027 ANNUAL BUDGET AT INVESTMENT PLAN NG DAGUPAN CITY, APRUBADO NA NG SP

Aprubado na ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang ₱2.028 billion para sa 2027 Annual Budget ng lungsod sa ilalim ng Ordinance No. 2405-2026 nitong Huwebes, Oktubre 15, sa pamumuno ni Vice Mayor Dean Bryan Kua.

Kasabay nito, inaprubahan din ang 2027 Annual Investment Plan o AIP sa ilalim ng Resolution No. 8770-2026, kasama ang iba pang kinakailangang plano para sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng lungsod.

Sa ibinahagi ni Mayor Belen Fernandez, naisagawa ang pagsusuri at pagpasa sa taunang budget nang walang pagkaantala, na inaasahang magbibigay-daan sa mas maagang pagpapatupad ng mga programa, proyekto at serbisyong pakikinabangan ng mga Dagupeño.

Binigyang-diin din sa pahayag ang kahalagahan ng napapanahong pag-apruba sa budget upang hindi maantala ang mga programang nakalaan para sa mamamayan.

Pinasalamatan naman ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pag-apruba sa mga panukalang budget at plano para sa susunod na taon.

Inaasahang magagamit ang pondo laan para sa mga proyekto at programang mapakikinabangan ng bawat Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments