Wednesday, October 14, 2026

Bilang ng mga lugar na nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño, umabot na sa 109—NDRRMC

Umabot na sa 109 na mga lugar sa bansa ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.

Mula sa 107 na mga lugar na huling naitala ng NDRRMC , nadagdagan pa ito ng dalawang lugar sa bayan ng Paracelis sa Mountain Province at Pudtol sa Apayao na nasa Cordillera Administrative Region.

Pinakamaraming lugar sa Region 2 ang nagdeklara ng state of calamity, sinundan ng CARAGA,Region 5 o Bicol Region, CALABARZON, CAR, Region 8 at 12.

Aabot naman na sa mahigit P6.5 bilyon halaga ng mga naiulat na pinsala sa agrikultura at nasa higit 215,000 na mga mangingisda at magsasaka ang naiulat naman na apektado ng matinding tagtuyot.

Facebook Comments