LALAKI, NASAWI MATAPOS SAKSAKIN SA LEEG SA URDANETA CITY

Nasawi ang isang 62-anyos na lalaki matapos itong saksakin sa leeg sa bahagi ng Barangay San Vicente, Urdaneta City.

Ayon sa iniulat na impormasyon, susunduin lamang sana ng biktima ang kaniyang anak nang bigla na lamang lumapit ang suspek at saksakin ang biktima sa kaliwang bahagi ng leeg gamit ang di pa tukoy na patalim.

Agad na nakatakas ang suspek.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit kalauna’y idineklarang dead on arrival.

Naglunsad naman ng hot pursuit operation maging flash alarm sa pakikipag-ugnayan sa mga Barangay Information Network at mga karating na police station para sa pagtunton sa suspek.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa motibo sa nasabing insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments