Isinasagawa ang 24-oras na pagmomonitor sa mga public market sa lungsod, lalo na sa Magsaysay Market at Malimgas Market, upang matiyak ang kaligtasan ng mga produktong isdang ibinebenta at mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili.
Paraan rin umano ito upang maprotektahan at mapangalagaan ang kalidad ng produktong bangus dagupan.
Tinitiyak din ng mga kinauukulang tanggapan na ligtas kainin ang mga produktong isda.
Kabilang sa binibigyang-pansin ang pagdadala ng mga nag-aangkat ng auxiliary invoice upang matunton ang pinagmulan ng mga produktong ipinapasok sa mga pamilihan.
Kasabay nito, patuloy ring nakikipag-ugnayan ang City Agriculture Office sa iba pang departamento ng lokal na pamahalaan upang maprotektahan at mapangalagaan ang produktong bangus ng Dagupan, na kilala sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







