Naaresto ang isang 27 anyos na lalaki at nasamsam ang tinatayang 40 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱272,000 sa isang buy-bust operation sa Sual, Pangasinan noong Setyembre 21.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Sual Police Station, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1.
Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office, residente ng Sual at walang trabaho ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska, kabilang ang umano’y ibinenta sa operasyon, na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 40 gramo.
Nasamsam din ang buy-bust money, pinaniniwalaang boodle money, isang cellphone, at isang itim na motorsiklong walang plaka.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Sual Police Station para sa kaukulang disposisyon at karagdagang imbestigasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





