Ang mga proyekto ay ipinagkaloob sa ilalim ng Modern and Resilient Livelihood Investments (MaRLIN) Sub-Components 2.1 at 2.2 ng Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project, sa pangunguna ng FMA 6 Coordinating Unit 1 (FCU1) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Isinagawa ang seremonya ng paggawad ng sertipikasyon noong September 21, 2026, sa San Fernando City, La Union, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 63rd Fish Conservation Week.
Kabilang sa mga nakatanggap ng proyekto ang Gaang Fish and Oysters Producers Association ng Barangay Gaang, Currimao, Ilocos Norte, na pinaglaanan ng ₱3 milyon para sa Culture of Siganid and Milkfish in HDPE (ECONO) Cage.
May ₱4 milyon namang inilaan para sa Culture of Siganid and Milkfish in HDPE Circular Cage na mapapakinabangan ng Gabut Norte Fishermen Association ng Barangay Gabut Norte, Badoc, Ilocos Norte, gayundin ng mga fisherfolk associations mula Cabugao, Ilocos Sur—ang Dardarat Aquasilvi Fishermen Association, Dardarat Fishcage Fishermen Association, Salomague Saranay Fishermen Association, at Salomague Skipjack Fishermen and Vendors Association.
Sa Dagupan City, Pangasinan, tumanggap naman ng ₱3 milyon na approved budget ang Ulupan na Sumisigay Ed Pugaro para sa Polyculture of Siganid and Milkfish in HDPE (ECONO) Cage.
Samantala, kabilang sa may pinakamalaking pondong inilaan ang Abadaya Fisherfolks and Farmers Multi-Purpose Cooperative mula Barangay Darapidap, Candon City, Ilocos Sur.
Tumanggap ito ng ₱11,788,900 approved budget para sa Production of Milkfish and Rabbit Fish in HDPE Floating Cages and Trading of Fishery Products Using a Refrigerated Van.
Inaasahang magsisilbing puhunan ang mga proyekto upang mapalawak ang produksyon, paghawak at pagnenegosyo ng mga produktong pangisdaan ng mga benepisyaryong organisasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




