6,178 KINDER AT GRADE 1 LEARNERS SA SAN CARLOS CITY, TATANGGAP NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES

Tinatayang 6,178 mag-aaral mula Kindergarten at Grade 1 sa mga pampublikong paaralan sa San Carlos City ang makikinabang sa libreng school supplies na inilaan ng Lokal na Pamahalaan bilang bahagi ng programa nito para sa suporta sa edukasyon.

Sa pamamagitan ng pondong inilaan ng lokal na pamahalaan, mabibigyan ng mga pangunahing school supplies ang mga batang kabilang sa programang ito upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa pag-aaral.

Kasalukuyan nang isinasagawa ang distribution ng school supplies para sa mga Kindergarten at Grade 1 learners sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod.

Ayon sa programa, inaasahang magiging taunang inisyatiba ito ng lokal na pamahalaan upang patuloy na masuportahan ang mga mag-aaral at kanilang mga pamilya sa kanilang pangangailangan sa edukasyon.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ang pagbibigay ng suporta sa mga batang mag-aaral at ang pagpapalakas ng mga serbisyong pang-edukasyon sa San Carlos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments