78 CHILD DEVELOPMENT CENTERS SA SAN CARLOS CITY, NAKATANGGAP NG SUPPLEMENTARY FEEDING

Nakatanggap ng supplementary feeding ang mga batang nag-aaral sa 78 Child Development Centers sa San Carlos City bilang bahagi ng 16th Cycle Supplementary Feeding Program ng Department of Social Welfare and Development Field Office I o DSWD FO I.

Isinagawa noong Setyembre 23, 2026 ang ikalawang delivery at distribution ng mga pagkain para sa kasalukuyang cycle ng programa.

Ipinatutupad ito ng Local Government Unit ng San Carlos City, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO, gamit ang pondong mula sa DSWD FO I.

Kabilang sa mga ipinamahaging pagkain at sangkap ang bigas, itlog, monggo, gulay, prutas, manok, baboy, bangus, tilapia at tuna.

Isang local community partner ng DSWD ang nagsilbing supplier ng mga pagkain at sangkap, alinsunod sa probisyon ng Sagip Saka Law na nagtataguyod sa pagkuha ng mga produkto mula sa mga lokal na producer.

Ang distribution noong Setyembre 23 ang ikalawang delivery ng pagkain para sa kasalukuyang 16th cycle ng Supplementary Feeding Program. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments