Thursday, September 24, 2026

ANIM NA BARANGAY SA ASINGAN, MAHIGIT 10 ORAS NA WALANG KURYENTE SA SABADO

Inaasahang mawawalan ng suplay ng kuryente nang mahigit 10 oras ang anim na barangay sa Asingan, Pangasinan sa Sabado, Setyembre 26, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP

Sakop ng power interruption mula alas-6:30 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ang mga barangay ng Bobonan, Calepaan, Coldit, Palaris, Sobol at Toboy.

Ayon sa NGCP, isasagawa ang assembly modification at interconnection works para sa Citicore Renewable Energy Corporation Binalonan Solar Plant, kasabay ng line maintenance.

Gayunman, maaaring maibalik nang mas maaga ang suplay kung matatapos agad ang mga kinakailangang gawain.

Pinayuhan ang mga residenteng maaapektuhan na maghanda at humingi ng pang-unawa habang isinasagawa ang mga naturang trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments