Thursday, August 13, 2026

Pahayag ng defense counsel hinggil sa misleading questions, nagpapakita ng kawalan ng kahihiyan

Nagpapakita ng kawalan ng kahihiyan para kay House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang pahayag ng abogado ng depensa na pinapayagan sa korte ang mga misleading questions.

Sa tingin ni Cendaña, ang nabanggit na pahayag sa impeachment trial ng defense counsel ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Kristine Ferrer ay hindi lang estratehiya o taktika.

Malinaw para kay Cendaña na ito ay values o nakaugaliang tinatayuan ng opisina at pagkatao ni VP Sara.

Giit ni Cendaña, ipinapakita nito na para sa kampo ni VP Sara, kapag hindi pabor sa kanila ang katotohanan – ang kanilang solusyon ay i-mislead o linlangin at lituhin ang taumbayan.

Facebook Comments