ILANG BARANGAY SA CALASIAO NA APEKTADO NG PAGBAHA, HINATIRAN NG BANGUS AT BIGAS

Mga bangus at bigas ang ipinamahagi ng Lokal na pamahalaan ng Calasiao sa mga pamilyang naapektuhan ng pagtaas ng tubig-baha sa ilang barangay nitong mga nagdaang araw.

Masigasig na inikot at ipinamahagi sa isinagawang relief operation ang tone-toneladang bangus at bigas bilang pansamantalang tugon sa kanilang pangangailangan.

Maraming residente ang pumila para lang makatanggap ng tulong sa kabila ng pagbaha sa kani-kanilang mga lugar. Ilang araw na ring nararanasan sa maraming barangay sa bayan ng Calasiao ang tubig-baha maging sa mga pangunahing kalsada.

Sa gitna ng kalamidad, naging paalala rin ang relief operation na hindi nag-iisa ang mga Calasiaeño, dahil patuloy ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor para matulungan ang mga ilang residenteng nangangailangan ng pagkain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments