Tuesday, July 21, 2026

₱4.2-M HALAGANG SUPLAY NG PAGKAIN, IPINAGKALOOB PARA SA 1,700 BATANG DAGUPEÑO (to post)

Nakatanggap ng karagdagang nutrisyon ang humigit-kumulang 1,700 mag-aaral sa mga Child Development Center (CDC) sa Dagupan City matapos ipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office I ang mga pagkain sa ilalim ng Supplementary Feeding Program (SFP) na nagkakahalaga ng ₱4,209,298.

Ayon sa lokal na pamahalaan, sapat ang mga ipinamahaging food commodities upang masuportahan ang pang-araw-araw na nutrisyon ng mga benepisyaryo sa loob ng 120 araw, bilang bahagi ng programa ng pamahalaan laban sa malnutrisyon sa mga batang nasa early childhood education.
Kabilang sa mga ipinamahaging pagkain ang mga itlog, gulay, prutas, at iba pang masusustansyang pagkain na makatutulong sa tamang paglaki at pag-unlad ng mga bata.

Pinangunahan ang pagtanggap ng mga suplay ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pamumuno ni OIC Irene Ferrer, kasama ang mga kinatawan ng DSWD Field Office I at mga Child Development Center workers.

Patuloy namang nakikipagtulungan ang pamahalaang lungsod sa DSWD upang maipatupad ang mga programang nakatuon sa kalusugan at kapakanan ng mga kabataan, lalo na sa kanilang mga unang taon ng pag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments