
Ilulunsad ng Office of the City Civil Registrar ng San Carlos City, katuwang ang Philippine Statistics Authority (PSA), ang serye ng Mobile Registration upang mailapit sa mga mamamayan ang libreng serbisyo para sa delayed registration ng kapanganakan at iba pang kaugnay na programa.
Kabilang sa mga serbisyong ipagkakaloob sa bawat barangay ang libreng Delayed Registration of Birth, pagbibigay ng Certificate of Live Birth (COLB) sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Birth Registration Assistance Project (BRAP), tulong sa National ID registration, at pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa mga batas, alituntunin, at regulasyon sa civil registration.
Hinikayat ng City Civil Registrar ang mga residente na sundin ang itinakdang iskedyul ng mobile registration sa kani-kanilang barangay at tiyaking kumpleto ang mga kinakailangang dokumento upang mapabilis ang proseso ng pagpaparehistro.
Bahagi ito ng inisyatiba na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad at matiyak na mas maraming mamamayan ang magkakaroon ng legal na pagkakakilanlan at akses sa mga serbisyong pampubliko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










