
Pinalakas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan Provincial Office ang kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Drug-Free Workplace Program (DFWP) Orientation at Drug Abuse Prevention Education (DAPE) Lecture para sa dalawampung barangay sa bayan ng Bayambang noong Hulyo 20, 2026.
Sa isinagawang orientation, ipinaliwanag sa mga kalahok ang mga probisyon ng Drug-Free Workplace Program alinsunod sa Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 13, Series of 2018.
Tinalakay rin ang masasamang epekto ng paggamit ng ilegal na droga at binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-iwas, pagpapalawak ng kaalaman, at sama-samang pananagutan ng komunidad sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang kapaligiran.
Dinaluhan ang programa ng mga opisyal ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, Philippine National Police (PNP), at mga empleyado ng mga barangay ng Bongato East, Bongato West, Pantol, Amancosiling Norte, Amancosiling Sur, San Gabriel 1st, Pugo, Wawa, Tampog, San Vicente, Ambayat 2nd, Ambayat 1st, Managos, Warding, Paragos, Iton, Manambong Sur, Manambong Parte, Manambong Norte, at San Gabriel 2nd.
Ayon sa PDEA Pangasinan, patuloy nitong paiigtingin ang mga programang pang-edukasyon at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang sektor upang maisulong ang mga drug-free workplace at mahikayat ang mga komunidad na maging aktibong katuwang sa kampanya laban sa ilegal na droga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










