Tinipon ang mga guro at mag-aaral ng Malabago Elementary School sa Calasiao, Pangasinan para sa dalawang aktibidad ng pulisya na nakatuon sa pagtukoy ng mga posibleng banta at tamang pagtugon sa emergency noong Oktubre 13, 2026.
Pinangunahan ng Calasiao Municipal Police Station ang aktibidad kung saan isinagawa ang “Teacher Mo, Detective Ko” at School Digital Safety and Early Threat Detection Program.
Kabilang sa mga ibinahagi ang pagkilala sa mga maagang palatandaan ng panganib, kabilang ang mga banta sa digital environment, at ang kahalagahan ng agarang pag-uulat.
Kasabay nito, tinalakay sa Active Threat School Safety Symposium ang mga hakbang na dapat gawin ng mga guro at mag-aaral kapag may banta o emergency sa loob ng paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











