Monday, November 23, 2026

Office of the Ombudsman, ibinasura ang motion for reconsideration ng anim na opisyal ng Dalaguete, Cebu kaugnay ng iregularidad sa pagtatayo ng warehouse sa pribadong lote

Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang pagpapatupad ng anim na buwang suspensyon nang walang sweldo laban kay Dalaguete, Cebu Mayor Ronald Allan Cesante at lima pang opisyal.

Ito ay matapos silang makitaan ng pananagutan sa administratibong kaso ng Gross Neglect of Duty o kapabayaan sa tungkulin, dahil sa umano’y iregularidad sa pagtatayo ng municipal warehouse sa isang pribadong lote.

Sa isang Consolidated Order, ibinasura ng Office of the Ombudsman ang motion for reconsideration na inihain ni Cesante at lima pang opisyal, dahil sa kawalan ng bago at matibay na ebidensya, kung kaya’t pinanatili nila ang naunang desisyon noong August 29, 2025.

Ayon sa Ombudsman, walang sapat na permit ang mga opisyal para pahintulutan ang munisipalidad na magtayo ng warehouse sa isang pribadong lote.

Dagdag pa rito, nabigo rin umanong tiyakin ng mga opisyal kung may legal na awtoridad ba ang kinatawan ng mga may-ari ng lupa na magbigay ng pahintulot.

Samantala, kabilang naman sa lima pang opisyal na sinuspinde ay sina Municipal Assessor and Bids and Awards Committee o BAC Chairperson Edmund Centeno; Municipal Budget Officer and BAC Vice-Chairperson Brenda Vergara; at BAC members na sina Zoning Officer II Essandre Amprad, Municipal Government Department Head-I Donald Abraham Lara at Administrative Assistant V Cristina Y. Miranda.

Facebook Comments