Kinatawan ni Municipal Planning and Development Coordinator Milagros J. Padilla, bilang LSB Secretariat, si LSB Chairperson Mayor Bona Fe de Vera-Parayno sa naturang pagpupulong.
Tinalakay sa pulong ang mga pangunahing paggagamitan ng panukalang pondo, na pinakamalaking bahagi ay ilalaan sa konstruksyon at rehabilitation ng mga gusali ng pampublikong paaralan.
May nakalaan ding pondo para sa operasyon at maintenance ng mga paaralan, kabilang ang suporta sa Brigada Eskwela, literacy programs, education trainings, Special Needs Education, Alternative Learning System o ALS, at iba pang learning development activities.
Kasama rin sa panukala ang financial assistance para sa school sports meets, sports equipment at iba pang sports-related activities.
Bahagi rin ng budget ang Early Childhood Care and Development o ECCD programs para sa early education, health and nutrition, parent education, at iba pang intervention para sa mga batang edad zero hanggang apat.
Ayon kay Padilla, ang ₱8.3 milyon ay panukala pa lamang batay sa tinatayang kita at hindi pa pinal na halaga.
Magmumula sa Special Education Fund o SEF ang pondo para sa mga programang saklaw ng LSB. Pangunahing nakokolekta ang SEF mula sa karagdagang one percent real property tax na nakalaan para sa edukasyon.
Sa ilalim ng Local Government Code, maaaring gamitin ang SEF para sa operasyon at maintenance ng mga pampublikong paaralan, konstruksyon at pagkukumpuni ng school buildings, facilities at equipment, gayundin sa educational programs at sports development.
Layunin ng paghahanda ng 2027 budget na maiayon ang mga panukalang gastusin sa pangunahing pangangailangan ng mga pampublikong paaralan at mga programang pang-edukasyon sa Mangaldan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








