Saturday, September 19, 2026

ASINGAN, NANANATILING ZERO CASE SA LEPTOSPIROSIS

Nanatiling walang naitalang kaso ng leptospirosis sa bayan ng Asingan sa kabila ng mahigit isang buwang pag-ulan at panganib ng pagbaha.

Iniulat ang zero case ng leptospirosis sa katatapos na 3rd Quarter Meeting ng Local Health Board ng Asingan, kung saan tinalakay ang kalagayan ng sakit at iba pang usaping pangkalusugan sa bayan.

Mas mahigpit naman ngayon ang monitoring ng mga health personnel sa leptospirosis dahil sa patuloy na pag-ulan at posibilidad na malantad ang mga residente sa baha at maruming tubig.

Bilang paghahanda, may nakalaang suplay ng doxycycline sa mga health center para sa mga residenteng maaaring mangailangan nito bilang pang-iwas sa leptospirosis.

Gayunman, paalala ng mga health official na huwag basta-basta uminom ng doxycycline matapos lumusong sa baha.

Sa halip, pinapayuhan ang mga residenteng nalantad sa baha o maruming tubig na magpakonsulta muna sa doktor upang masuri kung kinakailangan ang gamot.

Patuloy namang mino-monitor ng mga health personnel ang kalagayan ng leptospirosis sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments