Kinatawan ni Municipal Mayor Rosemarie G. Gacutan ang Municipal ICT Focal Person ng Bautista sa naturang aktibidad, na nilahukan ng mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan sa Pangasinan’s 5th District.
Kabilang sa mga tampok ng programa ang pagbibigay ng overview sa Free Wi-Fi for All Program, presentasyon ng itinalagang Free Wi-Fi site, at ang ceremonial switching-on ng libreng Wi-Fi service.
Ang FPIAP ay ipinatutupad alinsunod sa Republic Act No. 10929, o Free Internet Access in Public Places Act, na nagtatatag ng programa para sa libreng internet access sa mga pampublikong lugar.
Saklaw nito, bukod sa iba pa, ang mga tanggapan ng pamahalaan, pampublikong paaralan, health facilities, parke, plaza, aklatan at public transport terminals.
Sa Ilocos Region, iniulat noong Marso 2026 na nakapag-deploy na ang DICT ng 1,297 free public Wi-Fi sites sa rehiyon, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palawakin ang access sa internet at digital government services.
Patuloy ring nakikipagtulungan ang DICT sa mga LGU upang mapalawak ang digital connectivity, lalo na sa mga lugar na nangangailangan ng mas maaasahang access sa impormasyon, edukasyon at online government services. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







