₱99.8-M AGRI-ASSISTANCE AT ₱20/KILO NA BIGAS, INILAPIT SA MGAMAGSASAKA’T BENEPISYARYO SA ILOCOS SUR‎

Kabuhayan at pagkain ang naging sentro ng mga serbisyong inilapit ng Department of Agriculture–Regional Field Office 1 (DA-RFO1) sa mga magsasaka at iba pang benepisyaryo sa Ilocos Sur, sa pamamagitan ng isang malawakang government service fair nitong September 14.

‎Umabot sa ₱99,883,440.09 ang kabuuang halaga ng mga tulong at suportang pang-agrikultura na ipinamahagi ng DA-RFO1 sa ginanap na aktibidad sa Chavit Singson Coliseum sa Vigan City.


‎Kabilang sa mga ipinagkaloob ang mga certificate of award para sa farm inputs, kagamitan at makinaryang pangkabuhayan, gayundin ang iba’t ibang binhi gaya ng ampalaya, kalabasa at kamatis. Naglaan din ang ahensya ng 1,000 punla ng kalamansi bilang dagdag na puhunan para sa produksyon ng mga benepisyaryo.


‎Bukod sa tulong para sa produksyon, isinabay rin ang programa para sa mas abot-kayang pagkain sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo Program.


‎Sa isinagawang “Benteng Bigas, Meron Na!” sa National Food Authority (NFA) sa Bantay, Ilocos Sur, nabigyan ng pagkakataon ang mga kuwalipikadong mamimili na makabili ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo, hanggang 10 kilo bawat mamimili.


‎Naghatid ang mga ng iba’t ibang ahensya ng mga serbisyo para sa kabuhayan, crop insurance, financial assistance at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan.

‎Sa pamamagitan ng mga programang ito, layunin ng DA-RFO1 na patuloy na suportahan ang mga magsasaka at mangingisda, palakasin ang lokal na produksyon ng pagkain, at tiyaking mas direktang nakararating sa mga komunidad ang mga serbisyong pampamahalaan.

‎ ‎Sa Ilocos Sur, ang ₱99.8 milyong halaga ng suporta ay hindi lamang nakatuon sa isang araw na pamamahagi ng ayuda, kundi bahagi ng mas malawak na hakbang upang tugunan ang pangangailangan sa kabuhayan, produksyon at pagkain ng mga mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments