Arestado ang isang 32-anyos na lalaki na wanted sa apat na bilang ng kasong qualified theft sa isinagawang operasyon ng pulisya sa San Carlos City, Pangasinan noong Oktubre 22, 2026.
Ayon sa ulat, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng apat na kaso ng qualified theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code na may inirekomendang piyansang ₱24,000 para sa bawat kaso, o kabuuang ₱96,000 para sa apat na kaso.
Isinagawa ang operasyon ng San Carlos City Police Station at Gerona Municipal Police Station ng Tarlac Police Provincial Office.
Nasa kustodiya na ng San Carlos City Police Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










