MISTING OPERATION, ISINAGAWA BILANG HAKBANG KONTRA DENGUE SA SAN FABIAN

Isinagawa ang misting operation sa ilang paaralan sa bayan ng San Fabian, Pangasinan nitong Martes, Setyembre 15, 2026.

Kabilang sa mga paaralang isinailalim sa operasyon ang Ambalangan-Dalin Elementary School and National High School, Lipit-Tomeeng Elementary School, at Bisbisocol Elementary School.

Pinangunahan ito ng mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, katuwang ang mga tauhan ng Sanitation Office ng bayan.

Layunin ng misting operation na makatulong sa pag-iwas sa mga sakit na maaaring maipasa ng lamok, gaya ng dengue, at mapanatiling ligtas ang mga estudyante at guro.

Tuloy-tuloy naman ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga paaralan, lalo na sa pagbabalik ng mga estudyante at guro sa klase matapos maantala ang mga ito dahil sa habagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments