
CAUAYAN CITY- Arestado ang dalawang hinihinalang high-value individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulisya sa Brgy. Buntun, Tuguegarao City, gabi ng ika-9 Hulyo.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek sa mga alyas na “Jackler” at “Kenneth,” kapwa residente ng nasabing lugar at dati nang naharap sa parehong kaso.
Batay sa ulat, nasamsam ang tinatayang 73 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱496,000.
Bukod sa shabu, narekober din sa operasyon ang limang gramo ng hinihinalang marijuana, isang cellphone, drug paraphernalia, at iba pang kagamitan na pinaniniwalaang may kaugnayan sa ilegal na droga.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tuguegarao City Police Station ang dalawang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










