Tuesday, November 24, 2026

SEGURIDAD SABARANGAY TULIAO, STA. BARBARA, PATULOY NA PINAIIGTING

Patuloy na pinaiigting ang ng mga kawani ng barangay Tuliao, Sta. Barbara ang seguridad sa kanilang barangay at nasasakupan.

Bunsod ang paghihigpit na yan ng umano’y mga nakawan sa ibang bayan at ang papalapit na pagdiriwang sa kapaskuhan at bagong taon.

Ayon kay Ericson Delos Santos, punong barangay ng bangay Tuliao, maliban sa mga CCTVs, kabilang sa mga paraan nang patuloy na pangangalaga ng kaayusan at seguridad sa kanilang barangay ang pagbabantay sa mga paaralan lalo na sa mga araw na may mga pasok at ang pagpapaigting ng patrolling ng mga kawani tuwing gabi.

Dagdag ni Delos Santos, patuloy rin ang koordinasyon nila sa lokal na pulisya upang makaiwas sa anumang insidente.

Inaasahan naman na sa pamamagitan ng mga paghihigpita sa seguridad ng barangay ay mapapanatili ang kaayusan at kaligtsan ng mga residente lalo na sa papalapit na holiday season. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments