SANGGUNIANGPANLUNGSOD NG ALAMINOS, PINAGTIBAY ANG REVISED PROTOCOL PARA SA PROTEKSIYON NGMGA BATANGBIKTIMA NG PANG-AABUSO

Mas pinagtibay ng Lungsod ng Alaminos ang pangangalaga at proteksiyon sa mga bata mataposaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang Revised Protocol for Case Management of Child Victims of Abuse,Exploitation, and Discrimination (CANE+D) sa pamamagitan ng Resolution No. 2026-212.

Layunin ng bagong protocol na makapaglatag ng mas komprehensibo, at sistematikong proseso para matugunan ang mga kaso ng pang-aabuso, pagpapabaya, pananamantala maging diskriminasyon laban sa mga bata.

Kabilang sa mga saklaw nito ang pagtukoy at pag-uulat ng mga insidente, imbestigasyon, maayos na pamamahala ngkaso, pagsasagawa ng mga legal na proseso, rehabilitasyon, muling pagsasama ng mga biktima sa komunidad, at pagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang pag-uulit ng ganitong mga insidente.

Binibigyang-diin din ng protocol na sa bawat yugto ng proseso, kailangang unahin ang kapakanan, kaligtasan, at pinakamabuting interes ng batang biktima.

Sa pamamagitan ng hakbang na ito, layunin ng pamahalaang lungsod na matiyak na ang bawat batang nangangailangan ng tulong at proteksiyon ay mabibigyan ng angkop na suporta, katarungan, at pagkakataong makabangon mula sa anumang uri ng pang-aabuso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments