Saturday, August 1, 2026

Independent Investigation, inihihirit ng mga progresibong grupo sa Commission on Human Rights kaugnay ng umano’y iligal na pag-aresto sa 51 raliyesta sa ikinasang People’s SONA

Pormal na nanawagan ang Bagong Alyansang Makabayan at iba pang grupo sa Commission on Human Rights na magkasa ng independent investigation at panagutin ang mga sangkot sa umano’y iligal na pag-aresto ng mga personnel ng Philippine National Police sa 51 raliyesta, kabilang ang ilang menor de edad, sa kasagsagan ng kilos-protesta noong People’s SONA noong July 27.

Giit ng grupo, isinailalim umano sa interrogation ang mga inarestong raliyesta nang walang kasamang legal counsel, na pasok umano sa psychological torture sa ilalim ng Anti-Torture Act.

Dagdag pa rito, nananawagan din ang grupo sa Commission on Human Rights na ipaalala sa gobyerno ang kanilang obligasyon sa ilalim ng domestic at international human rights law, maging ang pagbabasura sa Batas Pambansa Blg. 880, na umano’y paulit-ulit na ginagamit sa pagsupil sa mapayapamg kilos-protesta.

Samantala, isinama rin umano umano ng nasabing grupo sa panawagan ang umano’y pattern ng karahasan, iligal na pag-aresto, at umano’y intimidation laban sa mga raliyesta at kagawad ng media sa ikinasang kilos-protesta sa Pasay City noong July 6 at 22 taong kasalukuyan at iba pang mga anti-protest simula pa noong September 2025.

Facebook Comments